PhilHealth balak ipabuwag ni Duterte
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na inihayag ito ng Pangulo sa kanilang pulong noong Miyerkules ng gabi.
Geremy Pintolo/File
PhilHealth balak ipabuwag ni Duterte
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin o isapribado na lamang ang Philippine Health Insu-rance Corp. dahil sa nabunyag na mga anomalya.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na inihayag ito ng Pangulo sa kanilang pulong noong Miyerkules ng gabi.

Pero ayon kay Sotto, dapat tingnan muna ang performance ni ex-NBI director Dante Gierran, na itinalagang presidente ng PhilHealth at CEO kapalit ng nagbitiw na si Ricardo Morales.

Dahil dito, binigyan ni Pangulong Duterte ng hanggang Disyembre si Gierran para linisin ang isyu ng korapsiyon sa PhilHealth.

Pumayag din umano si Duterte sa panukala ni Sotto na ang kalihim ng Department of Finance ang mamuno sa PhilHealth Board sa halip na ang kalihim ng Department of Health.

Ipinaliwanag umano ni Sotto sa Pangulo na ang PhilHealth ay isang insurance corp. at hindi isang health entity.

Bukod kay Sotto, kasama rin sa miting sina House Speaker Alan Peter Cayetano, House Majority leader Martin Romualdez at Sen. Bong Go.

RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with