^

Bansa

State of calamity sa COVID-19 tiniyak na palalawigin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
State of calamity sa COVID-19 tiniyak na palalawigin
Nakatakda ng mapa­so ngayong buwan ang idineklarang 6-month state of calamity ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 16. Nakasaad sa proklamasyon na maaari itong palawigin ng Pangulo kung kinakailangan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang na palalawigin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity sa buong bansa dahil sa COVID-19.

“It’s on the desk of the President, probably signed by now, [and] on its way down to the Office of the Executive Secretary,” wika ni Presidential spokesperson Sec. Harry Roque.

Una nang sinabi ni Roque na ang rason sa pagpapalawig ay ang kawalan pa rin ng bakuna.

Inaasahan aniya na magkakaroon ng bagong proklamasyon bagaman at hindi pa tiyak kung tatagal itong muli ng anim na buwan.

Nakatakda ng mapa­so ngayong buwan ang idineklarang 6-month state of calamity ng Pa-ngulo noong Marso 16. Nakasaad sa proklamasyon na maaari itong palawigin ng Pangulo kung kinakailangan.

Ang deklarasyon ng state of calamity ay nagpahintulot sa pamahalaan para makatugon sa health crisis.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with