Worst is over sa COVID-19 - Palasyo
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naiintindihan ng Palasyo ang “pessimism” na nararamdaman ng mga mamamayan base sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Station na nagsasabing mayorya o 57 percent ng mga Pilipino ay naniniwalang aasahan pa ang mas masamang sitwasyon sa bansa dahil sa COVID pandemic.
AFP/Maria Tan
Worst is over sa COVID-19 - Palasyo
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Ma­lacañang na nalampasan na ng bansa ang pinakamasamang pangyayari na dala ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naiintindihan ng Palasyo ang “pessimism” na nararamdaman ng mga mamamayan base sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) na nagsasabing mayorya o 57 percent ng mga Pilipino ay naniniwalang aasahan pa ang mas masamang sitwasyon sa bansa dahil sa COVID pandemic.

“Naintindihan po natin iyong pessimism ng ating kababayan dahil napaka­hirap po talaga nitong pandemya na dinulot nito ‘no. Pero ang masasabi ko lang po, the worst is over!” ani Roque.

Pero ayon kay Roque, sinapit na ng bansa ang pinakamasamang epekto ng COVID-19 noong isinara ang ekonomiya sa pamamagitan ng total lockdown pero kailangang magpatuloy ang buhay kahit hindi pa nawawala ang COVID-19.

Muli namang ipinaalala ni Roque na pwede namang mabuhay at maghanapbuhay basta pag-ingatan ang ating kalusugan sa pamamagitan ng “hugas, mask at iwas.”

“Kaya lang naman po talaga tayong we hit rock bottom dahil sinara natin ang ekonomiya. Kaya nga po ngayon ang ating panawagan sa lahat, puwede po tayong mabuhay na nandiyan pa ang COVID dahil hanggang wala namang bakuna, walang gamot eh talagang matatagalan ang ating pandemya ‘no,” ani Roque.

COVID-19 PANDEMIC SWS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with