Duterte magdedesisyon sa distancing sa public transportation
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naging mahaba ang talakayan pero sa huli ay si Duterte ang maglalabas ng desisyon.
Miguel De Guzman
Duterte magdedesisyon sa distancing sa public transportation
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahang ihahayag ngayon o sa susunod na araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon tungkol sa pagpapaliit ng distansiya ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

Nagharap na kahapon ang mga kontra at pabor sa naunang desisyon na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na bawasan ang distansiya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naging mahaba ang talakayan pero sa huli ay si Duterte ang maglalabas ng desisyon.

Tiniyak din ni Roque na ibabase sa siyensiya at payo ng mga doktor ang magiging rekomendasyon na aaprubahan naman ni Duterte.

Kasama sa mga naniniwala na hindi dapat bawasan ang isang metrong distansiya ay sina Health Undersecretary Rosario Vergeire at Dr. Antonio Dans ng University of the Philippines.

May mga doktor din naman na naniniwala na maaa­ring bawasan o paiikliin ang distansiya basta susunod sa pagsusuot ng mask at face shield ang mga pasahero.

Dapat din umanong ipagbawal ang pagsasalita at pagkain upang hindi kumalat ang COVID-19.

PUBLIC TRANSPORTATION RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with