âWala akong nilabag na batasâ â Duque
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, nakakalungkot din umano na patuloy ang atake sa kanya ni Senate President Vicente Sotto III na kinukuwestyon ang iba’t ibang task force na nag-iimbestiga sa PhilHealth kung bakit hindi inirekomenda ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.
Boy Santos, file
‘Wala akong nilabag na batas’ – Duque
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanindigan si Health Secretary Francisco Duque III na wala siyang nilabag na batas at ginawa ang lahat ng kanyang abilidad para tugunan ang umano’y korapsyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ayon kay Duque, nakakalungkot din umano na patuloy ang atake sa kanya ni Senate President Vicente Sotto III na kinukuwestyon ang iba’t ibang task force na nag-iimbestiga sa PhilHealth kung bakit hindi inirekomenda ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Maging ang Senate Blue Ribbon Committee umano ni Sen. Dick Gordon at maging ang kaibigan ni Sotto na si Sen. Ping Lacson ay nagsabi na walang sapat na ebidensiya para irekomenda ang paghahain ng kasong kriminal laban kay Duque.

“Yes, I am ex-officio chair of PhilHealth but as mandated by the Universal Health Care law, I do not have voting rights and the Senate President should know that having passed that landmark law himself. Second, the Board is a collegial body, the chair does not control the Board so to say I abandoned my duties and was negligent are malicious. The problem with some legislators is they look for something to support their conclusions and start hitting at you in public. Is the Senate President now lawyer, judge and jury that if something does not suit him, he conjures things?” ayon pa kay Duque.

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with