Mga Pinoy mas madalas nang naka-4G/LTE
(Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagbuti ng mobile network experience sa Pilipinas kaya naman ang mga Pinoy ay mas madalas nang naka-connect sa 4G/LTE, ayon sa independent mobile analytics firm na Opensignal.

Mula 2017 hanggang 2nd quarter ng 2020, umakyat ng halos 20 percentage points ang 4G availability sa bansa.

Para sa mga customers ng Smart Communications, Inc. (Smart), tumaas ang 4G availability ng 27.8 points, mula 59.1% tumalon ito ng 86.9%.

Sa report ng Opensignal, pang-67 ang Pilipinas sa 100 bansa pagdating sa 4G availability.

Bumilis din ang Download Speed Experience sa bansa ng 80%. Sa nagdaang dalawang taon, patuloy na nangunguna ang Smart pagdating dito.

Sa ngayon, nasa 93% ng mga lungsod at munisipalidad sa Pilipinas at 95% ng buong populasyon ang naseserbisyuhan ng 4G/LTE at 3G services ng Smart.

Ayon kay Alfredo S. Panlilio, Smart President and CEO at PLDT Chief Revenue Officer, ang resulta ng mga speed tests sa mga nagdaang taon ay nagpapatunay sa magandang epekto ng tuluy-tuloy na network investments ng kumpanya, partikular sa LTE habang sinisimulan na rin ang pag-roll out ng 5G service.

Dagdag pa ni Mario G. Tamayo, PLDT-Smart Senior Vice President for Network Planning and Engineering, na sa kabila ng pandemya ay patuloy pa rin ang network expansion program ng Smart. Ito ay kombinasyon ng physical installations roll out at software systems upgrades.

Maliban sa network upgrades, nakikipagtulungan ang Smart sa mga smartphone manufacturers upang magkaroon ng mas murang LTE at LTE-A-capable handsets sa merkado. Itong nakaraang Hunyo, higit na sa 60% ng mga handsets na tumatakbo sa Smart network ang naka-LTE.

Mula 2015 hanggang 2019, P260 billion ang ibinuhos ng PLDT at Smart sa kanilang network expansion. Sa kasalukuyang taon, dinagdagan pa ng Smart ang bilang ng kanilang LTE base stations at lalong pinalawig ang kapasidad ng LTE network nito.

SMART
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with