^

Bansa

Wala akong nakitang taga-squatter na tinamaan - Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Wala akong nakitang taga-squatter na tinamaan - Duterte
Sa kanyang ulat sa bayan noong Lunes ng gabi, binanggit ng Pangu­lo na hindi niya gustong mang-insulto, pero napuna niya na malalakas ang resistensiya ng mga nakatira sa squatters maging sa kanilang lugar sa Davao.
Noel Celis/AFP, File

MANILA, Philippines — Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na malakas ang antibodies ng mga Filipino kaya marami ang gumagaling sa COVID-19 at halos hindi rin nito tinatamaan ang mga taga-squatter.

Sa kanyang ulat sa bayan noong Lunes ng gabi, binanggit ng Pangu­lo na hindi niya gustong mang-insulto, pero napuna niya na malalakas ang resistensiya ng mga nakatira sa squatters maging sa kanilang lugar sa Davao.

Posible rin aniya na dahil sa klima kaya mataas palagi ang naiiulat na gumagaling o posible rin sa “constitution” ng katawan ng mga Filipino.

“Ito ‘yung lumaki sa ano eh. So all these years from infancy to how old they are now, hinigop nilang lahat ng ano kagaw kaya nagkaroon na sila ng panglaban,” ani Duterte.

Ang mga bata aniya na lumaki sa maruming lugar pero naka-recover ay lumalaking matatag.

“Maliit pa, ‘pag lumusot kasi ‘yan sila noong maliit pa nagkasakit five, six, seven, eight, ‘pag lumusot ‘yan ‘pag malaki na ‘yan, matatag ‘yan. Hindi na tinatablan,” ani Duterte.

Pero ipinaalala pa rin ng Pangulo na hindi pa rin puwedeng magpaka-kampante kahit pa ang mga malalakas ang antibodies dahil posibleng tamaan pa rin siya ng COVID.

vuukle comment

POVERTY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with