'Kahit lockdown': Tigok sa drug war lumobo, nadagdagan ng 50%
Kuha sa isang hindi pinetsahang drug operations, kung saan patay ang ilang suspek
The STAR/Joven Cagande, File
'Kahit lockdown': Tigok sa drug war lumobo, nadagdagan ng 50%
James Relativo (Philstar.com) - September 9, 2020 - 12:21pm

MANILA, Philippines — Hindi nagpahinga ngunit tumindi pa ang madugong kampanya kontra iligal na droga sa kalagitnaan ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic sa Pilipinas, ayon sa ulat na inilabas ng isang international human rights group, Miyerkules.

Gamit ang datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isinapubliko ng #RealNumbersPH, lumalabas kasing 50% ang idinagdag ng mga napatay sa drug operasyons noong Abril hanggang Hulyo kung ikukumpara sa naunang apat na buwan.

Narito ang mga bagong death toll ng war on drugs mula huling buwan ng 2019:

Buwan Bagong dagdag
Disyembre 2019 11
Enero 2020 38
Pebrero 2020 N/A
Marso 2020 54
Abril 2020 N/A
Mayo 2020 67
Hunyo 2020 N/A
Hulyo 2020 88
Lahat-lahat (mula Hulyo 2016) 5,810

 

Dahil 103 lang ang mga drug-related killings mula Disyembre 2019 hanggang Marso 2020, lagpas kalahati ang isinirit ng mga namatay sa sumunod na apat na buwan sa bilang na 155. 

Ito ay kahit na karamihan ng tao sa Pilipinas ay nasa bahay lang bunsod ng mga quarantine restrictions kontra COVID-19. Sa katotohanan, ni hindi pwedeng lumabas ng bahay ang mga taong 20-anyos pababa at 60-anyos pataas dahil sa panganib ng virus.

"The number of fatalities in these ostensible drug enforcement raids... jumped dramatically from the 26 deaths recorded by the PDEA in five months from July to November 2019," paliwanag ng HRW.

Kung tutuusin, konserbatibong bilang pa nga raw ito, sabi pa ng grupo, lalo na't ang 5,810 ay pawang mga napatay lang sa police operations.

Hindi pa raw kasama rito ang libu-libong pinatay ng mga pulis na naka-"sibilyan" o mga "vigilante" na nakikipagtulungan sa mga otoridad. Malayong-malayo ang mga datos ng PDEA sa inilitaw na numero ng Commission on Human Rights (CHR) noong 2018, bagay na umabot daw sa 27,000.

"The Human Rights Council should once again tackle the issue of rights abuses in the Philippines when it convenes this month. The government is expected to continue to deny the allegations rather than offer a constructive response," patuloy ng grupo.

"But as the government’s own statistics show, the atrocities in the 'drug war' have worsened, even as the country suffers the worst in the region from the pandemic."

'Tagumpay ng gera'

Sa mga pinakabagong datos ng PDEA dalawang buwan na ang nakalilipas, sinasabing 251,889 na ang mga naaaresto ng otoridad kaugnay ng kampanya kontra droga matapos makapaglunsad ng mahigit 173,348 anti-illegal drug operations.

Kasama na sa mga nahuli ang tinatayang 9,350 "high value targets," na kinapapabilangan ng ilang banyaga, government employees, elected officials at uniformed personnel.

Kung pagsasamahin, 560 na rin ang tinatayang drug dens at clandestine laboratories ang tuluyan nang na-dismantle ng gobyerno.

Tumataginting na P43.58 bilyon na ang halaga ng droga at mga laboratory equipment na nakukumpiska ng gobyerno sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte — P34.18 bilyon dito ay sinasabing shabu.

Bagama't nasa gitna ng pandemya, matatandaang ipinangako ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Banac na lalo pa nilang patitindihin ang gera kontra droga.

"Kapag tayo ay nag-transition into general community quarantine after May 15, asahan po natin na ibabalik muli ang lahat ng anti-crime operations, especially the war on drugs," sambit niya sa isang pahayag noong ika-4 ng Mayo.

"Medyo talagang malaking hamon ang kakaharapin ng PNP pero tinitiyak natin sa ating publiko na sapat po ang bilang ng kapulisan."

HUMAN RIGHTS HUMAN RIGHTS WATCH PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY PHILIPPINE NATIONAL POLICE WAR ON DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with