^
40% China-owned telco pwede nang magtayo ng cell sites sa loob ng kampo militar
File photo ng ilang telecommunications tower, na planong itayo ng kontrobersyal na Dito Telecommunity sa loob ng mga kampo military kahit pinagmamay-arian ng Beijing ang 40% nito.
Businessworld

40% China-owned telco pwede nang magtayo ng cell sites sa loob ng kampo militar

(Philstar.com) - September 8, 2020 - 7:34pm

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of National Defense (DND), Martes, na pahihintulutan na ng gobyerno ang pagtatayo ng ilang cell towers ng Dito Telecommunity sa loob ng mga kampo militar ng Pilipinas — kahit kasama sa nagmamay-ari rito ang gobyerno ng Tsina.

Ito ang inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, Martes, sa pagdinig ng budget matapos matanong hinggil sa kumpanyang pinagmamay-arian ng Davao businesman na si Dennis Uy — kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte — at Chinese state sa pamamagitan ng China Telecommunications Corp.

"Yes, they will be allowed on camps that already also [have cell site] towers of Globe and Smart," pagpapaliwanag niya hinggil sa nilagdaang memorandum of agreement ng Armed Forces of the Philippines at Dito. 

Pangamba ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, 40% ng Dito ang pinagmamay-arian ng gobyerno ng Tsina — bansang nang-ookupa ng mga isla't bahura sa West Philippine Sea kahit na 2016 pa lang ay in-award na ang mga exclusive economic zone na ito sa Maynila.

Dahil dito, natatakot si Rodiguez na makakuha ng mga sensitibong impormasyon ang gobyerno ng Tsina sa militar ng Pilipinas dahil dito: "Can you imagine that there will be Chinese employees of Dito who may be spies rftor China when we have a conflict especially on the West Philippine Sea?"

Depensa ng DND, ipinakita na nila ang kontrata sa Senado noon ngunit wala naman daw nagreklamo hinggil sa mga iba't ibang probisyon nito.

"Yes... I signed the contract recently because last year... They [Senate[ came out with nothing naman. Wala silang complaint or any recommendation on the contract. It is returned to us." tugon niya sa mambabatas.

"The AFP assured me they will institute safeguards so that the security of our camps will be maintained."

Agosto lang nang aprubahan sa Kamara ang pagbibigay ng 25-year franchise sa Dito, kahit na ibinasura nila ang panawagang prangkisa ng ABS-CBN ngayong taon din.

Basahin: House grants 25-year franchise to 3rd telco player

May kaugnayan: Duterte to 3rd telco: Provide fast internet

Matatandaang kinastigo ni Sen. Francisco "Kiko" Pangilinan noong nakaraang taon ang naturang MOA sa pagitan ng Dito at AFP, lalo na't potensyal na security concern daw ito.

Maliban sa Dito, may cyber security fear na rin sa mga Chinese telecommunications giant na Huawei, dahilan para mailagay ito sa black list ng Estados Unidos noong Mayo 2019.

Una na ring sinabi ng Malacañang na hindi ito susunod sa plano ng Amerika na i-ban ang Chinese video-sharing social networking service na TikTok matapos ang ugong-ugong na magagamit ito sa intelligence gathering ng Beijing.

Hindi lang kay Uy malapit si Duterte, ngunit pati kay Chinese President Xi Jinping, kahit may mga insidente na na dinadahas ng mga Chinese Coast Guard ang mga mangingisda sa South China Sea. — James Relativo

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES DENNIS UY DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE PEOPLE'S REPUBLIC OF CHINA RUFUS RODRIGUEZ WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with