2 Pinoy patay sa pagsabog sa UAE

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang Filipino ang kumpirmadong nasawi mula sa gas explosion sa isang restaurant sa Abu Dhabi, United Arab Emi-rates (UAE) noong Martes.

Sa ulat sa Department of Foreign Affairs (DFA) ni Philippine to Ambassador to UAE Hjyceelyn Quintana, nangyari ang pagsabog sa Sheik Rashid Bin Seed Road o mas kilala bilang Airport road.

Ipinaabot na niya sa pa-milya ng dalawang nasawi ang nangyaring insidente.

Siniguro rin niya sa pamilya ng mga ito na mag­bibigay ng kaukulang tulong ang pamahalaan.

Ayon kay Quintana, patuloy pa rin silang nagsisiyasat kung mayroon pang ibang Filipino ang nasugatan sa naturang insidente na ginagamot pa sa ospital para mabigyan ng kaukulang tulong.

Pinayuhan naman ni Quintana ang Pinoy community sa naturang bansa na maging mapagmatyag at sumunod sa mga safety protocols na ipinapatupad ng gobyerno doon.

UAE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with