‘Designated Survivor’ pinamamadali
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Pinamamadali ni Sen. Panfilo Lacson ang pagsasabatas ng “Designated survivor” na magsisilbing lunas sa limitasyon sa line of succession dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng terorismo.

Ayon kay Lacson na nagsulong ng panukala, kung mayroong trahedyang mangyari ay sino ang aaktong presidente ng bansa hanggang sa susunod na eleksyon ng Presidente at Bise Presidente gayung ang constitutional line of succession ng pangulo ay tumitigil hanggang sa House Speaker.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, sakop ng line of presidential succession ang Pangalawang Pangulo, Senate President at House Speaker.

Subalit kung may nangyari sa tatlo na maaring magresulta para hindi nila lahat magampanan ang mga responsibilidad bilang lider ng bansa, wala nang natukoy sa Saligang Batas kung sino ang susunod sa kanila.

Ayon kay Lacson, ang mga ito ay nangangahulugan na nasa Saligang Batas din ang pagkakaroon ng “De­signated Survivor” na lider ng bansa.

Ikinalungkot naman ng Senador ang pag-atras ng bersyon nito sa Mababang Kapulungan.

Sa ilalim ng SB 982, nakalista ang kuwalipikadong mamuno sa pamahalaan sakali mang hindi na umubra ang nasa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan:

* Pinakabeteranong miyembro ng Senado, batay sa haba ng taon ng paninilbihan bilang senador;

* Pinakabeteranong miyembro ng Mababang Kapulungan na may pinakamahaba ring taon sa serbisyo sa Kamara at

* Miyembro ng Gabinete na itinalaga ng Pangulo.

PANFILO LACSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with