^
Senior citizen âpinatayâ ng PhilHealth
Ayon kay Efren Agui­lar, ikinagulat niya nang mabatid na apat na taon na siyang patay gayung siya ay buhay na buhay at malakas.
STAR/ File

Senior citizen ‘pinatay’ ng PhilHealth

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang PhilHeath member na senior citizen ang nakalistang patay na kahit buhay pa.

Ayon kay Efren Agui­lar, ikinagulat niya nang mabatid na apat na taon na siyang patay gayung siya ay buhay na buhay at malakas.

Aniya, nakalagay ang kanyang pangalan sa listahan ng PhilHealth na siya ay nasawi noong September 15, 2016.

Sinabi niya na huli niyang nakuha ang kanyang PhilHealth benefits noong 2012 at bigla itong natigil na labis niyang ipinagtataka.

Aniya, isinulat niya ang kanyang PhilHealth number sa information sheet ng isang hospital kamakailan matapos siyang magpasama sa kanilang house helper para magpasailalim sa laboratory test at doon niya nabatid na nakalagay na sa listahan ng mga patay ang kanyang pangalan.

Agad namang humi­ngi ng paumanhin ang PhilHealth sa nasabing insidente at sinabing “encoding error” lamang ang nangyari.

PHILHEATH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with