^

Bansa

Dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa 205,581, ayon sa DOH

James Relativo - Philstar.com
Dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa 205,581, ayon sa DOH
Workers at Sasha Collection in Taytay, Rizal that manufactures dresses try on their reusable personal protective equipment to be delivered in provinces on August 26, 2020.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa kasi nang 3,249 ang bilang ng nahahawaan ng nakamamatay na SARS-CoV-2 virus, bagay na nag-aangat sa kabuuang local infections sa 205,581.

Higit na mas kaunti ang bilang na 'yan kumpara sa mga daily increase nitong mga nakaraang araw. Kahapon lang nang mahigit 5,000 ang itinalon nito.

"There were 29 duplicates that were removed from the total case count. Of these, 12 recovered cases have been removed," paliwanag ng DOH sa isang pahayag.

"Moreover, there were [24] cases that were previously reported as recovered but after final validation, they were deaths."

Ang mga nasabing pigura ay inianak ng isinagawang 2.24 milyong COVID-19 tests na sa iba't ibang dako ng bansa as of August 26, 2020.

Lumalabas sa pag-aaral na pinakamarami ang mga panibagong mga kaso sa:

  • National Capital Region (1,584)
  • Cavite (147)
  • Laguna (143)
  • Negros Occidemntal (140)
  • Batangas (123)

Nadagdagan naman nang 97 ang panibagong COVID-19-related deaths sa bansa, dahilan para sumipa na sa 3,234 ang binabawian ng buhay sanhi ng karamdaman mula Wuhan, China.

Nananatiling Metro Manila ang nangunguna sa bilang ng mga may sariwang casualty sanhi ng pandemic na pumatak sa 63, habang tig-iisa lang ang nakitang namatay mula sa Western Visayas at Region 11.

Sumatutal, nasa 133,990 na ang tuluyang gumaling mula sa sakit. Mas malaki 'yan nang 566 kung ihahambing sa mga numero noong Miyerkules.

Sa huling taya ng World Health Organization (WHO), lumalabas na 23.75 milyon na ang tintatamaan ng nasabing sakit. Sa bilang na 'yan, 815,038 na ang sinasabing namatay sa virus.

vuukle comment

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with