^

Bansa

2 pagsabog sa Jolo: 14 patay, 76 sugatan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 pagsabog sa Jolo: 14 patay, 76 sugatan
Ang nagkagutay-gutay na katawan ng mga sundalo habang ang ibang sugatan ay tinulungan ng kanilang mga kasamahan sa nangyaring magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu kahapon.
Photo ni Crowzero Nasser

MANILA, Philippines — Nasa 14 katao ang nasawi kabilang ang pitong sundalo, anim na sibilyan at suicide bomber habang nasa 76 ang sugatan makaraang gulantangin ng kambal na pagsabog ang Barangay Walled City sa bahagi ng Plaza Rizal sa Jolo, Sulu kahapon.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command spokesman Capt. Rex Payot, nangyari ang pagsabog sa Terante St, Barangay Walled City sa Plaza Rizal bandang 11:40 ng tanghali.

Isang nakaparadang motorsiklo malapit sa M35 vehicle ng 21st Battalion na nasa harap ng Paradise Food Store ang sumabog na nagresulta sa pagkasawi at pagkasugat ng ilang indibidwal.

Sinabi ni AFP-Wesmincom chief Maj. Gen. Corleto Vinluan, Jr.,isang improvised explosive device (IED) ang itinanim sa motorsiklo.

Ikinasawi agad ito ng pitong sundalo habang marami ang sugatan.

Makalipas lang ang mahigit isang oras, naganap ang pangalawang pagsabog sa harap ng DBP Bank, 100 metro lang ang layo sa unang pagsabog habang kinokordonan na ng pulisya ang blast site.

Ang ikalawang pagsabog na gawa umano ng isang suicide bomber ay hindi kalayuan sa Mt. Carmel Cathedral na pinasabog din noong isang taon.

Hindi pa batid ang nationality ng suicide bomber. “Hindi pa alam kung Indonesian ‘yun, basta female,” sabi ni Vinluan.

Habang isinusulat ito, nasa 48 silbilyan, 9 pulis at 19 sundalo ang sugatan.

Patuloy na isinasagawa ang rescue operations maging ang imbestigasyon sa kambal na pagsabog.

Samantala, pinaiim­bestigahan na rin ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa kay Bangsamoro chief Police Brig. Gen. Manuel Abu ang naganap na pagsabog.

Pina-secure na rin ang lugar para mahuli ang mga responsable sa pagsabog.

Inaalam na rin kung may kinalaman ito sa pagkakaaresto sa lider ng Abu Sayyaf Group na si Anduljihad “Idang” Susukan kamakailan. Rhoderick Beñez

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with