^

Sekyu, janitor, iba pa bigyan ng hazard pay

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil nakaharap din sa panganib ng COVID-19, dapat din bigyan ng ha­zard pay ang mga security guard, janitor at maintenance personnel sa mga pampublikong ospital

Sinabi ni Sen. Ralph Recto, bukod sa mga na­banggit dapat may hazard pay din ang mga sanitation workers, housekeeper at building maintenance staff na kapag nawala ay magko-collapse ang mga ospital.

Iginiit ni Recto na kung nagbibigay ng ayuda ang gobyerno sa mga tao para hindi lang lumabas sa kani-kanilang mga taha­nan para makaiwas lang sa virus ay dapat din bigyan ng ayuda ang mga buwis buhay sa pagtatrabaho sa mga pampublikong ospital.

Maaari naman uma­nong gumawa ng batas para dito ang Kamara at Senado sa pakiki­pagkonsultasyon na rin sa Department of Health (DOH) at sa Department of Budget and Management (DBM).

Subalit mas magiging mabilis umano ang pagbibigay ng tulong kung mag-iisyu ang Pangulo ng kautusan.

Ang mga guwardya at house keeping personnel ay mga kawani ng pribadong kumpanya na nakikipagkontrata sa gobyerno.

HAZARD PAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with