^

Bansa

Mandatory COVID-19 test sa manggagawa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mandatory COVID-19 test sa manggagawa
Kabilang sa mga manggagawa na isasailalim dito ang mga nasa turismo; local manufacturing; transportasyon at logistics; food retails; edukasyon; serbisyong pinansyal; non-food retail; pampublikong palengke; konstruksyon; suplay ng tubig; sewerage; waste management; pampublikong sektor at maging ang media.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Gagawin ng mandatory ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapasailalim sa mga manggagawa ng ilang sektor sa paggawa sa  RT–PCR test o swab test para mas makatiyak sa pagbagal ng pagkalat ng COVID-19.

Ito ay sa pamamagitan ng inilabas na Joint Memorandum Circular No. 20-04 ng DOLE at Department of Trade and Industry (DTI) ukol sa Supplemental Guidelines on Workplace Prevention and Control of COVID-19.

Kabilang sa mga manggagawa na isasailalim dito ang mga nasa turismo; local manufacturing; transportasyon at logistics; food retails; edukasyon; serbisyong pinansyal; non-food retail; pampublikong palengke; konstruksyon; suplay ng tubig; sewerage; waste management; pampublikong sektor at maging ang media.

Ngunit ipinaalala ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang RT-PCR test ay dapat sagutin ng kumpanya at hindi ipasa ang gastusin sa mga empleyado.

Nakapaloob din sa panuntunan na dapat isai­lalim kada apat na linggo ang mga manggagawa na nasa ‘hospitality and tourism sector’ sa El Nido, Boracay, Coron, Panglao, Siargao at iba pang destinasyon ng turismo na tinukoy ng Department of Tourism (DOT).

Ang mga obrero naman buhat sa manufactu­ring at public service providers sa mga ‘economic zones’ na nasa ilalim ng Special Concern Area ay kailangang sumailalim sa tests kada quarter ng taon.

Kada quarter rin ang RT-PCR test sa mga manggagawa na ‘frontline at economic priority’ o iyong mga nagtatrabaho sa mga sektor na mataas ang prayoridad at mataas ang interaksyon sa publiko.

Kung magpopositibo ang isang manggagawa, kailangang bigyan ang pasyente ng kaniyang kumpanya ng benepisyo sa sick leave, medical insurance coverage, at supplemental pay allowance habang naka-quarantine.

Nakapaloob din sa panuntunan ang pagsusuot ng mga empleyado ng face masks at shields, disinfection items tulad ng alkohol, physical distancing at iba pang protocols sa mga tanggapan at pook-gawaan.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with