Duque, 3 pang Cabinet men pinagpapaliwanag sa PhilHealth anomaly
MANILA, Philippines — Apat pang miyembro ng Gabinete ang umano’y dapat magpaliwanag kaugnay ng mga isyu ng katiwalian at anomalya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, bukod kay Health Secretary Francisco Duque III, dapat din magpaliwanag sina Labor Sec. Silvestre Bello III, DSWD Sec. Rolando Bautista, Finance Sec. Carlos Dominguez III at Budget Sec. Wendell Avisado.
Nakasaad umano sa Universal Health Care Act na ex-officio members sila ng board of directors ng PhilHealth habang si Duque naman ang chairperson.
Paliwanag ni Gatchalian, si PhilHealth President Ricardo Morales ang nagpapalakad ng araw-araw na gawain ng ahensiya subalit dapat tagapagbantay ang mga nabanggit na miyembro ng gabinete sa paggamit ng pondo ng ahensiya sapagkat umuupo sila sa board.
Pangunahin umano si Duque na may impluwensya sa board na humingi ng imbestigasyon at reporma kung may natunugan na anomalya sa ahensiya at dapat nag-report agad si Duque sa Pangulo tungkol sa katiwalian.
Nauna nang pinuna ng mga senador ang pananahimik ni Duque sa mga isyu sa PhilHealth.
- Latest