^

Bansa

COVID-19 cases sa Pilipinas nadagdagan nang 6,216, pumalo sa 153,660

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 cases sa Pilipinas nadagdagan nang 6,216, pumalo sa 153,660
Inaasikaso ng mga health workers ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang kani-kanilang mga pasyente sa mga tent na naroon sa labas ng pagamutan, ika-3 ng Agosto, 2020
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines (Updated 4:45 p.m.) — Hindi pa rin nahihinto ang arawang pagtalon ng mga coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas habang papalapit sa gitna ng buwan ng Agosto, ika-22 linggo simula nang ipataw ang mga quarantine sa Pilipinas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngayong Biyernes, sumampa na kasi ito sa 153,660, matapos madagdagan pa ng 6,216, ayon sa Department of Health (DOH).

Karamihan sa mga bagong kaso ay nagmula sa mga sumusunod na lugar:

  • National Capital Region (3,846)
  • Laguna (302)
  • Rizal (242)
  • Cavite (240)
  • Bulacan (178)

"Also noted are the 278 cases reported among Returning Overseas Filipinos (ROF)," sabi ng DOH sa isang pahayag.

"We also updated the health status of 15 cases that were previously reported as recovered but after final validation, they were deaths (4) and active (11) cases."

Nanggaling ang datos mula sa 98 mula sa 103 laboratoryo laboratories, bagay na magpapaliwanag kung bakit mas malaki ang naitala ngayong kumpara nitong mga nakaraang araw.

Gayunpaman, 79,813 lang diyan ang maituturing na "active cases," o hindi pa gumagaling o namamatay sa naturang virus.

Marami namang panibagong nag-recover matapos iulat ang 1,038 gumaling mula sa COVID-19. Dahil diyan, 71,405 na silang lahat sa bansa.

Kaugnay niyan, nakatakda ring maglabas ng mga panibagong time-based COVID-19 recoveries ang DOH sa Linggo, bagay na may kinalaman sa inilulunsad na "Oplan Recovery" ng kagawaran, sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Noong huling beses na nagkaroon ng ganoong update, 38,075 ang iniulat na gumaling sa iisang araw lamang dahil itinuring nang "gumaling" ang mga asymptomatic at mild COVID-19 patients na nakakakumpleto ng kanilang 14-day quarantine.

Basahin: 'All-time high uli': COVID-19 cases sa Pilipinas 89,374 na matapos madagdagan nang 3,954

Sinasabi kasi sa mga pag-aaral na kapag lumampas ang oras na ito at walang ibang negatibong manifestation sa kalusugan, hindi na sila nakahahawa.

Higit na mas kaonti naman ang namatay sa bilang na 2,442 matapos madagdagan ng 16 katao lamang, ayon sa talaan ng DOH.

Sumatutal, 20.43 milyon na ang naapektuhan ng COVID-19 sa buong mundo. 744,385 na sa kanila ang namamatay sa ngayon, ayon sa World Health Organization (WHO).

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with