^

Bansa

Pagpapabakuna ni Duterte sa Mayo 2021 pa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagpapabakuna ni Duterte sa Mayo 2021 pa
Sa Abril pa inaasahang maiparerehistro ang bakuna kaya sa Mayo pa maaaring mabigyan ng bakuna si Duterte.
King Rodriguez/Presidential Photo

MANILA, Philippines — Posibleng sa Mayo 1, 2021 umano mababakunahan si Pangulong Rodrigo Duterte ng Sputnik V, ang bakunang ginagawa ng Russia laban sa COVID-19.

Inanunsyo ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ang pakikipagpulong ng mga Philippine health at vaccine experts sa mga kinatawan ng Gamaleya, ang manufacturer ng Sputnik V kung saan sinabing magiging available na sa Pilipinas ang bakuna sa Abril 2021.

Ang vaccine na tinawag na Russian “Sputnik V” ay dadaan sa tatlong yugto ng clinical trials na sabay na gagawin sa Pilipinas at sa Russia.

Sa Setyembre magkakaroon ng review ng vaccine expert panel sa resulta ng clinical trials phase 1 and 2 na ginawa sa Russia.

Ayon kay Roque, ang phase 3 clinical trials ay magsisimula sa Oktubre na sabay gagawin sa Moscow at sa Maynila. Ang test ay tatagal hanggang Marso 2021 at popondohan ng Russia.

Sa Abril pa inaasahang maiparerehistro ang bakuna kaya sa Mayo pa maaaring mabigyan ng bakuna si Duterte.

Tiniyak naman ni Presidential Security Group (PSG) Commander Col. Jesus Durante na papayagan ang Pangulo na mabigyan ng bakuna mula sa Russia basta’t aprubado ito ng Food and Drug Administration (FDA).

Ginawa ni Durante ang pagtiyak dahil sa unang pahayag ni Roque na posibleng hindi mabigyan ng bakuna ang Pangulo kung hindi pahihintulutan ng PSG na nangangalaga sa kaligtasan nito.

vuukle comment

BAKUNA

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with