^

Bansa

50K pang contact tracers, nais i-hire ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
50K pang contact tracers, nais i-hire ng DILG
Sa liham ni DILG Secretary Eduardo M. Año kina Senate President Vicente Sotto III at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ipinanukala niya ang hiring at training ng mga kuwalipikado at competent na mga tao para magsilbing miyembro ng contact tracing teams simula sa Setyembre 2020, na may katumbas na budget na P5 bilyon.
BoySantos, file

MANILA, Philippines — Bunsod nang dumaraming kaso ng COVID-19 sa bansa, umapela ang DILG sa Kongreso na ila­an ang P5 bilyon mula sa P162 bilyong pondo na malilikha sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One bill, sa pagkuha at pagsasanay ng may 50,000 contact tracers upang palakasin pa ang contact tracing capability ng bansa, at maiwasan ang lalo pang paglala ng hawahan ng virus.

Sa liham ni DILG Secretary Eduardo M. Año kina Senate President Vicente Sotto III at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ipinanukala niya ang hiring at training ng mga kuwalipikado at competent na mga tao para magsilbing miyembro ng contact tracing teams simula sa Setyembre 2020, na may katumbas na budget na P5 bilyon.

Ayon sa kalihim, ba­gama’t ang contact tracing efforts ng pamahalaan ay isinasagawa na ng mahigit sa 7,000 contact tracing teams, na binubuo ng mahigit sa 85,000 contact tracers, kailangan pa rin ng bansa na mag-hire ng may 50,000 pa upang maabot ang inirerekomendang ratio ng World Health Organization na 1:800 o isang contact tracer sa bawat 800 tao.

Sinabi pa ni Año na ang kasalukuyang bilang ng contact tracers sa bansa ay hindi pa abot sa rekomendasyon ng Contact Tracing Czar na si Baguio City Mayor Benjie Magalong, na 1:37patient to close contacts ratio, upang maputol ang transmission ng sakit.

Sa 50,000 contact tracers, 20,000 ang ide-deploy sa Luzon, 15,000 sa Visayas, at 15,000 sa Mindanao.

vuukle comment

CONTACT TRACER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with