^

Bansa

COVID-19 cases sa bansa umabot sa 147,526, ilang buwan bago ang vaccine trials

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 cases sa bansa umabot sa 147,526, ilang buwan bago ang vaccine trials
Makikitang nagpapalinis ng kanyang mga kuko ang mga babaeng ito habang nakasuot ng mga face mask at face shield sa Taytay, Rizal, ika-11 ng Agosto, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines (Updated 4:51 p.m.) — Patuloy ang pagsipa ng bilang ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa Pilipinas habang nagpapatuloy ang pananalasa ng pandemya sa Pilipinas, Huwebes.

Nadagdagan pa kasi ito nang 4,002 kaso ngayong araw, dahilan para pumalo na ang total local COVID-19 cases sa 147,526, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).

Karamihan sa mga bagong kaso ay galing sa mga sumusunod na lugar:

  • National Capital Region (2,445)
  • Laguna (319)
  • Cebu (212)
  • Rizal (142)
  • Cavite)

LOOK: DOH COVID-19 CASE BULLETIN #152 As of 4PM today, August 13, 2020, the Department of Health reports the total...

Posted by Department of Health (Philippines) on Thursday, August 13, 2020

"There were 225 duplicates that were removed from the total case count," sabi ng DOH sa isang pahayag. "Of these, twelve (12) recovered cases and one (1) death have been removed."

Sa kabila niyan, 74,713 lang diyan ang maituturing na aktibong kaso, o yaong mga hindi pa gumagaling o namamatay sa nasabing virus.

Samantala, 2,426 naman na sa ngayon ang namamatay sa COVID-19 sa Pilipinas, bagay na mas marami nang 23 kumpara sa datos na inilabas ng gobyerno kahapon.

Nakapagtaya naman ng 1,403 panibagong gumaling sa nasabing sakit ang kagawaran. Sumatutal, 70,387 na ang recoveries sa Pilipinas.

Karamihan sa mga namatay ay mula sa Metro Manila (10), Region 4A (5), Region 7 (3), Cordillera Administrative Region (3), Region 9 (1) at Region 10 (1).

Nakapagtaya naman ng 1,403 panibagong gumaling sa nasabing sakit ang kagawaran. Sumatutal, 70,387 na ang recoveries sa Pilipinas.

"Moreover, One (1) case that was previously reported to have recovered has been validated to have died and already included in the count of new deaths," patuloy ng DOH.

Kalalabas lang ng mga nasabing datos matapos isiwalat ng Palasyo na magsisimula ang Phase 3 ng clinical trials ng bakunang nilikha ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology sa Pilipinas sa Oktubre, bagay na nagsimula sa bansang Rusya.

Bashain: Palace: Philippine clinical trials of Russian COVID-19 vaccine to start in October

Sumampa na sa lagpas 20 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling ulat ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, 737,417 na ang patay, sabi ng World Health Organization (WHO).

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with