^

Bansa

Yayariin ko kayo! - Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Yayariin ko kayo! - Duterte
“Huwag kayong magkakamali. Itong PhilHealth, sabi ko: Yayariin ko kayo. Maniwala kayo,” pahayag ni Duterte sa isang taped national address nitong Lunes ng gabi. “Yung mga inosente naman, wala kayong dapat iano… Tahimik lang kayo at continue working.”
Ace Morandante/Presidential Photo

Sa mga korap na PhilHealth officials

MANILA, Philippines — Nagbanta na si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na “yayariin” niya ang mga korap sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“Huwag kayong magkakamali. Itong PhilHealth, sabi ko: Yayariin ko kayo. Maniwala kayo,” pahayag ni Duterte sa isang taped national address nitong Lunes ng gabi. “Yung mga inosente naman, wala kayong dapat iano… Tahimik lang kayo at continue working.”

Ayon sa Pangulo, posibleng nakalusot ang mga korap sa ibang nagdaang presidente ng bansa pero hindi ito mangyayari sa kanya.

Sinabi rin ng Pangulo na tinutulungan siya ng mga miyembro ng Gabinete upang mawala ang mga nangungurakot sa PhilHealth.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala pang desisyon si Duterte kung magtatalaga ng bagong hepe sa PhilHealth matapos maghain ng medical leave si Ricardo Morales.

Sa ngayon ay hinahayaan muna ng Pa­ngulo na gumalaw ang binuong task force na nag-iimbestiga sa mga sinasabing katiwalian sa ahensiya.

Naniniwala si Roque na hihintayin ni Duterte ang rekomendasyon ng task force bago magdesisyon.

vuukle comment

PHILHEALTH

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with