50 barangay captains masususpinde sa SAP anomaly
MANILA, Philippines — Nasa 50 kapitan ng barangay ang nahaharap sa suspensiyon dahil sa maanomalyang pamamahagi pondo sa ilalim ng social amelioraton program (SAP).
Sa meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na magpapataw ng preventive suspension ang Office of the Ombudsman sa 50 kapitan ng barangay habang isinasailalim sa imbestigasyon.
Ayon pa kay A?o, nasa 155 criminal complaints ang naihain ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa anomalya sa SAP.
Base sa imbestigasyon, ang mga masususpendi ay 26 na kapitan ng barangay sa National Capital Region at Region 1 (Ilocos Region); 11 sa Region 4-A (Calabarzon); 10 sa Region 2 (Cagayan Valley); at tatlo sa Region 3 (Central Luzon).
Tiniyak ni Año na inisyal pa lamang ang nasabing bilang dahil mayroon pa silang mga isusunod.
- Latest