^

Bansa

Wala na akong pera – Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

Mamamayan kailangan ng maghanapbuhay

MANILA, Philippines — Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala na siyang pera dahil ubos na ang ibinigay ng Kongreso para sa mga apektado ng COVID-19 kaya kailangang palabasin na ang mga mamamayan para maghanapbuhay at makakain.

Aminado ang Pangulo na nahihirapan siyang balansehin ang kagustuhan ng mga doktor na pigilan ang paglabas ng mga tao upang mapabagal ang pagkalat ng virus at ang pangangailangan na magtrabaho para sa ekonomiya.

Sinabi rin ni Duterte na pinagbigyan niya ang kagustuhan ng mga doktor pero ipinahiwatig na posibleng “bitawan” din niya ang naging desisyon.

Huwag na aniyang masorpresa kung tataas pa ang kaso ng COVID-19 dahil sa mga taong hindi naniniwala at patuloy na lumalabas ng tahanan.

Tatanggapin pa aniya ng Pangulo kung ang rason ng paglabas ay para sa pagkain at sa pamilya.

Sinabi rin ng Pangulo na kung mayroon lamang siyang pambigay ay magbibigay siya araw-araw pero ubos na talaga at kailangan ng magtrabaho ng iba.

Related video:

vuukle comment

COVID-19

EKONOMIYA

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with