400 Pinoy sa Lebanon una sa mga libreng uuwi matapos ang gulo ng 'Beirut blasts'
Makikitang pinaliliparan ng mga paputok ng mga raliyista ang pulis sa parlyamento ng Beirut, ika-10 ng Agosto, 2020, kasabay ng desisyon ni Lebanese Prime Minister Hassan Diab na magbitiw sa pwesto
AFP/Joseph Eid
400 Pinoy sa Lebanon una sa mga libreng uuwi matapos ang gulo ng 'Beirut blasts'
(Philstar.com) - August 11, 2020 - 5:54pm

MANILA, Philippines — Upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinong naiipit sa gulo ngayon ng bansang Lebanon, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), Martes, na handa itong saluhin ang gastusin ng mga kababayang nais umuwi ng bansa.

Lunes kasi nang ianunsyo ni Lebanon Prime Minister Hassan Diab ang pagbibitiw ng kanyang pamalahalaan matapos magsilbing hudyat ang mga pag-aaklas sa pagsabog sa Beirut na ikinamatay ng 160 katao at pagkakasugat ng 6,000 iba pa.

Basahin: Lebanon government stands down over blast fallout

May kaugnayan: Patay na Pinoy sa 'Beirut explosions' umakyat sa 4, sugatan 31 na

"Wala tayong iiwan ni isa," anunsyo ni Migrant Workers Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola sa isang pahayag sa Inggles.

"Ginagawa na ng DFA at ng Embahada sa Beirut ang lahat ng nararapat na aksyon para masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino sa ibayong dagat na nasa Lebanon pa. Magpapatupad pa ng ibang hakbangin sa mga susunod na raw hanggang masolusyunan ito."

Inaasahang lalapag sa Maynila sa susunod na Lunes ang una sa maraming chartered-flights mula Beirut. Nasa 400 Pilipino ang inaasahang sasama sa biyaheng ito.

"Una sa mga maraming ilulunsad na repatriation flights ng DFA ang Qatar Air para mapauwi ang ating mga kababayan," sambit pa ni Arriola.

"Libre ang mga flight na ito at walang gagastusin ang mga overseas Filipinos galing Lebanon.

Sinasabing nasa 31,000 Pilipino pa rin sa ngayon ang nananatili sa nasabing bansa.

Ilang araw na ang kaliwa't kanang mobilisasyon sa mga kalsada kasabay ng pagbibitiw ni Diab, habang hinihiling ng mga raliyista ang pagtatapos ng tiwali at aniya'y kainutilan ng kanilang gobyernong pinamumugaran ng mga dinastiya.

Una nang nanawagan ang presidente ng Pransya na si Emmanuel Macron ang "mabilis na pagbubuo" ng panibagong pamahalaan matapos ang pagbibitiw nina Diab.

Inaasahang mananatili ang kasalukuyang gobyerno sa isang "caretaker capacity" ilang buwan bago magkaroon ng panibagong mga halalan. — James Relativo

BEIRUT DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS LEBANON OVERSEAS FILIPINO WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with