^

Bansa

Face mask sa loob ng bahay isinulong ng DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Face mask sa loob ng bahay isinulong ng DOH
Ayon sa DOH, nararapat lamang ang pagsusuot ng face masks sa loob ng bahay sa mga pagkakataon na may miyembro ng pamilya na positibo sa COVID-19 ngunit ‘asymptomatic’ at kung may miyembro ng pamilya na kabilang sa ‘vulnerable population’ o madaling mahawahan ng sakit.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Isinusulong na rin ng Department of Health (DOH) ang pagsusuot ng face masks sa loob ng mga bahay habang hindi rin nila inirerekomenda ang pagbabawal sa paggamit ng rapid testing kits kahit na sinasabing hindi maaasahan ang resulta nito.

Ayon sa DOH, nararapat lamang ang pagsusuot ng face masks sa loob ng bahay sa mga pagkakataon na may miyembro ng pamilya na positibo sa COVID-19 ngunit ‘asymptomatic’ at kung may miyembro ng pamilya na kabilang sa ‘vulnerable population’ o madaling mahawahan ng sakit.

Kabilang sa mga ‘vulnerable citizen’ ang mga senior citizen, may mga nararamdamang sakit o kundisyong-medikal o mababa ang ‘immune system’.

Kasabay nito, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi kailangang i-ban ang rapid testing kits dahil may iba namang gamit ang mga ito.

“Pwedeng gamitin ang rapid antibody test sa mga pasyente na nakaka-recover na o pwede nang ma-tag as recovered,” ayon kay Vergeire.

Ipinaliwanag niya na sa ika-21 araw ng pagkakasakit ng pasyente, maaari nang magamit ang rapid test kits na tutukoy kung nakalikha na ang katawan ng anti-bodies laban sa COVID-19 tulad ng ‘immunoglobulin G’ tanda na gumaling na nga ang pasyente.

Muli niyang iginiit na hindi maaaring gamitin ang rapid test kits sa COVID-19 screening dahil sa mataas ang ‘false positive o false-negative’ na resulta nito.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with