_ngayon
^

Bansa

Halos 7,000 bagong talang COVID-19 cases sa bansa; kaso umabot na sa 136,638

James Relativo - Philstar.com
Halos 7,000 bagong talang COVID-19 cases sa bansa; kaso umabot na sa 136,638
Makikita ang medical worker na ito sa loob ng isang COVID-19 emergency response medical tent sa labas ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo, Maynila, ika-4 ng Agosto, 2020
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines (Updated, 8:29 p.m.) — Kasabay ng panibagong linggo, panibagong mga kaso rin ng coronavirus disease (COVID-19) ang iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes sa isang late na anunsyo.

Sumampa na kasi sa 136,638 ang bilang ng mga kumpirmadong COVID-19 cases sa Pilipinas. 'Yan ay matapos maisama sa talaan ng gobyerno ang 6,958 karagdagang pasyente ngayong araw.

Ito na tuloy ang panibagong "record-high" sa pagtalon ng COVID-19 cases sa kasaysayan ng bansa.

"Of these newly reported cases, 5,789 (83%) occurred within the recent 14 days (July 28-August 10, 2020)," sabi pa ng DOH.

"Our case clustering report showed that there are 380 clusters in NCR; 305 (80%) are in the communities and 34 (9%) in health facilities. CALABARZON has 174 case clusters and Region 7 with 171 case clusters – majority were also in communities."

Karamihan sa mga bagong kaso ay sinasabing nagmula sa mga sumusunod na lugar:

- National Capital Region (4,163)
- Laguna (400)
- Rizal (363)
- Cavite (312)
- Bulacan (178)

Nasa 233 duplicates naman ang tinanggal sa nasabing case count, matapos mapag-alamang 143 sa kanila ang gumaling na, habang isa sa kanila ang patay na.

Una ring iniulat na gumaling ang anim na pasyente ngunit natuklasang apat sa kanila ang patay na habang dalawa ang aktibong kaso pa rin.

Kung iaawas sa kabuuang bilang ang mga gumaling at namatay na sa COVID-19, 66,186 na lang ang matitira riyan bilang "active cases."

Samantala, patay naman na sa virus ang 24 pang katao sa bansa. Sumatutal, inaakyat niyan ang local COVID-19 casualties sa bilang na 2,293.

"Note that of the 50 cumulative deaths which occurred in August, 22 (44%) were from NCR," dagdag pa ng kagawaran.

Gumaling naman na mula sa kinatatakutang sakit ang 633 pa, dahilan para maging 68,159 na ang kabuuang recoveries sa bansa.

Lagpas 8 p.m. na nang ilabas ng DOH ang case tally ngayong araw kahit na kadalassang 4 p.m. hanggang 5 p.m. ito inilalathala dala ng ilang problema sa sistema.

"This is due to an unexpected system error that caused the non-inclusion of new cases in the COVIDKAYA-extracted database," sabi ng kagawaran sa hiwalay na pahayag.

"The problem has been addressed but it entails additional time to process the recently extracted data."

'Bayanihan 2' pasado na

Samantala, lumusot na sa ikatlo at huling pagdinig ng Kamara ngayong araw ang "Bayanihan to Recover as One (BARO) Act" ngayong hapon.

Ang nasabing panukala, na naipasa sa botong 242-6-0. ay magtatakda diumano sa P162 bilyong pondo para "suportahan ang response measure sa COVID-19 pandemic."

Tanging ang mga mambabatas mula sa militanteng Makabayan bloc ang tumutol sa nasabing panukala, habang idinedetalye ang mga nasabing kakulangan nito.

"Binibihisan lang ng BARO ang kapos, militarista at tagilid na tugon ng rehimeng Duterte sa pandemyang COVID-19," ani Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.

"Sa ilalim ng BARO, walang katiyakan na popondohan ang pagtatas ng kapasidad ng ating public healthcare system — kahit p[a umaapaw na ang mga pasyente ang ating mga ospital at lagpas 110,000 na ang positibo sa COVID-19."

Dagdag pa ni Brosas, wala rin itong pondong ilalan kaugnay ng libreng mass testing, contact tracing, isolation at treatment.

Sa huling datos ng World Health Organization (WHO), sinasabing 19.46 milyon na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Sa bilang na 'yan, 722,285 na ang patay. —  may mga ulat mula sa News5

DEPARTMENT OF HEALTH GABRIELA PARTY-LIST NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with