Iligal na bentahan ng COVID-19 plasma talamak
Sinabi ng DOH na ang hindi kontroladong pagbebenta at walang kaalaman na paggamit ng blood plasma ay maaa­ring magdulot pa ng mas malalalang sakit tulad ng HIV, hepatitis at malaria.
Philippine General Hospital/Released
Iligal na bentahan ng COVID-19 plasma talamak
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko ang Departmentof Health (DOH) laban sa pagtangkilik sa iligal na bentahan ng ‘convalescent blood plasma’ ng umano’y mga nagpapakilalang mga pasyente na nakarekober sa COVID-19.

Sinabi ng DOH na ang hindi kontroladong pagbebenta at walang kaalaman na paggamit ng blood plasma ay maaa­ring magdulot pa ng mas malalalang sakit tulad ng HIV, hepatitis at malaria.

Ito ay makaraang makarating sa DOH ang mga ulat ng pagbili ng pamil­ya ng mga pasyente na bagong tinamaan ng virus ng blood plasma buhat sa mga pasyente na guma­ling sa pagkakasakit sa virus, mga hospital staff at mga fixer.

May mga ulat din na sinasadya ng ilang tao na mahawahan ng virus para kapag gumaling ay makapagbenta sila ng blood plasma nila.

“The DOH emphasizes that these alleged transactions and practices are illegal, reckless and dangerous. Those individuals do not only place their lives at risk, but they also put their families and communities at risk when they voluntarily get infected,” ayon sa DOH.

Ipinaalala ng DOH na ang Philippine Blood Center at Philippine Red Cross-Port Area lamang ang sertipikado na ‘non-hospital convalescent plasma collection facilities’ habang ang Philippine General Hospital at St. Luke’s Medical Center ang sertipikadong mga pagamutan para mangolekta nito para magamit sa kanilang internal protocols.

Bagama’t nakita ang magandang epekto nito sa mga pasyente, nilinaw ng DOH na pinag-aaralan pa ang pagiging epektibo nito.

“Trading blood and other blood products, including those from recovered COVID-19 patients, is not only illegal but highly dangerous. Convalescent Plasma should not be for sale and should be voluntarily donated for COVID-19 patients in need,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with