Probe sa PhilHealth wala ng atrasan â Palasyo
Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque Roque ang pahayag matapos na magsumite si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales at PhilHealth Executive Vice President Arnel de Jesus ng liham sa Senado tungkol sa kalagayan ng kanilang mga kalusugan.
STAR/ File
Probe sa PhilHealth wala ng atrasan – Palasyo
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko na wala nang atrasan ang pag-iimbestiga ng task force sa umano’y katiwalian sa PhilHealth matapos itong ipag-utos ni Pangulong Duterte.

Ginawa ni Roque ang pahayag matapos na magsumite si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales at PhilHealth Executive Vice President Arnel de Jesus ng liham sa Senado tungkol sa kalagayan ng kanilang mga kalusugan.

Ipinapaubaya na rin umano ng Palasyo sa Senado bilang co-equal branch of government na magkomento sa ulat na si Morales at De Jesus ay hindi makakadalo sa Senate hearing bukas, Agosto 11.

Subalit sa panig ng Ehekutibo ay tuloy ang imbestigasyon ng task force na inorganisa ng Department of Justice (DOJ) base sa instruction ng Pangulo.

Ayon pa kay Roque, magsasagawa ang task force ng audit sa pera ng PhilHealth at lifestyle checks sa mga empleyado at opisyal ng ahensiya.

Maaari rin umanong magrekomenda ang task force ng preventive suspension sa mga opisyal para hindi mahadlangan ang imbestigasyon nito.

Inaasahang sa loob ng 30-araw ay makakapagsumite na ng findings at rekomendasyon sa Office of the President ang binuong Task Force.

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with