Hoarders ng face shield hahabulin â DOJ
Tumaas ang “demand” sa face shield makaraan ang polisiya ng Department of Transportation (DOTr) na bukod sa face mask ay kailangan din itong laging isuot tuwing sasakay sa pampublikong transportasyon.
Edd Gumban
Hoarders ng face shield hahabulin – DOJ
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa matinding pa­ngangailangan nga­yon sa face shield bilang proteksyon laban sa COVID-19, nangako si Justice Secretary Menardo Guevarra na kanilang hahabulin ang mga abu­sadong negos­yante na sangkot sa hoarding para artipisyal na mapataas ang presyo nito sa merkado.

Hinikayat na rin ni Guevarra ang mga konsyumer na makipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI) kung may alam na mga negosyante na sangkot sa iligal na gawain upang mapanagot.

“Any person who has information on overpricing (of face shields) may report the same to the DTI, and the DOJ (Department of Justice) will prosecute violators in accordance with existing laws,” ayon kay Guevarra.

Tumaas ang “demand” sa face shield makaraan ang polisiya ng Department of Transportation (DOTr) na bukod sa face mask ay kailangan din itong laging isuot tuwing sasakay sa pampublikong transportasyon.

Tinuligsa naman ito ng iba’t ibang sektor maging si Senador Imee Marcos na nanawagan sa pamahalaan na magbigay na lamang ng libreng face shield dahil sa magiging dagdag na gastusin pa ito ng mga mahihirap na manggagawa.

Sang-ayon naman dito si Guevarra sa pagsasabing umaasa siya na maisasama ang libreng face shield sa “Bayanihan to Recover as One” o kaya naman ay sa mas murang halaga.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with