Quarantine at travel pass inaabuso
yon kay Eleazar, bagama’t naiisyu at nagbibigay ng ID, hindi umano ito dapat na inaabuso dahil tanging ang mga essential workers lamang ang binibigyan ng exemption ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
The STAR/Miguel de Guzman
Quarantine at travel pass inaabuso
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2020 - 12:00am

Ginagamit na ‘alibi’ para mamasyal

MANILA, Philippines — Pinaalalahan ni Joint Task Force COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang publiko hinggil sa pang-aabuso sa paggamit ng quarantine pass at travel pass sa kabila ng pinaiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Eleazar, bagama’t naiisyu at nagbibigay ng  ID, hindi umano ito dapat na inaabuso dahil tanging ang mga essential workers lamang ang binibigyan ng exemption ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Nabatid na ang pahayag ni Eleazar ay batay sa ulat na maraming nasisita ang mga pulis sa checkpoints na sibilyan na ginagamit na ‘alibi’ ang mga quarantine at travel pass upang makapamasyal.

Naging mas mahigpit ang implementasyon ng MECQ dahil na rin sa katigasan ng ulo at pagsuway ng publiko sa kautusan ng pamahalaan.

Sa ilalim ng IATF guidelines, ang binibigyan ng quarantine pass ay mga frontliners. Pinapayagan din ang mga may quarantine kung bibili ng gamot at importanteng bagay.

Apela ni Eleazar, makiisa at tumulong ang bawat indibiduwal upang mas madaling masugpo ang pagkalat ng  virus. Aniya, nababalewala  ang ginagawa ng pamahalaan kung hindi tutulong ang  publiko.

Dagdag pa ni Eleazar, ang pananatili sa bahay ay sapat ng tulong ng bawat isa upang malabanan at mawala sa lalong madaling panahon ang COVID-19.

MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with