PhilHealth scam noong nakaraang admin kalkalin din
Ayon kay Cong. Yap, una na ring nabunyag at lumutang ang milyun-mil­yong kinurakot na pondo mula sa PhilHealth noong panahon ni Pangulong Ninoy Aquino, kabilang na ang malaking suweldo at allowance ng mga opisyal tulad ni Sen. Risa Hontiveros na noon ay Board of Director ng PhilHealth.
STAR/ File
PhilHealth scam noong nakaraang admin kalkalin din
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ni ACT-CIS Cong. Eric Go Yap na kalkalin din at simulan ang imbestigasyon ng korapsyon sa loob ng  PhilHealth noong nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Cong. Yap, una na ring nabunyag at lumutang ang milyun-mil­yong kinurakot na pondo mula sa PhilHealth noong panahon ni PNoy, kabilang na ang malaking suweldo at allowance ng mga opisyal tulad ni Sen. Risa Hontiveros na noon ay Board of Director ng PhilHealth.

“Wala namang nangyari at walang nakulong na opisyal kaya patuloy ang nakawan sa pondo ng PhilHealth na kontribusyon ng mamamayan,” ani Yap.

Sinabi ni Yap, hang­ga’t walang nakukulong na mataas na opisyal ng PhilHealth ay hindi titigil ang pagnanakaw sa perang pinaghirapan ng bawat miyembro ng nasabing tanggapan.

Si Yap na Chairman ng Committee on Appropriations ay nagsabing naglalabasan ang korap­syon ngayon sa PhilHealth dahil may lakas ng loob na magsalita ang ilang matitinong emple­yado at opisyal sa loob ng ahensiya sa ilalim ng administrasyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Aniya, marapat lamang na makulong at walang sisinuhin ang mga taong responsable sa pandarambong sa pondo ng pamahalaan.

ERIC GO YAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with