^

Bansa

Task Force target din ang BoC, corrupt agencies - Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Sen. Bong Go na hindi lang magpopokus sa PhilHealth ang lilikhaing “Task Force” kundi maging sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na nakalubog o may nakasistema nang katiwalian, kagaya ng Bureau of Customs.

“Hindi lang naman po PhilHealth ang may problema, alam natin na may iba pang mga ahensya diyan na kailangang gamutin para tuluyang matanggal ang corruption sa kanilang sistema. Halimbawa nito ay ang customs,” ayon kay Go.

Sinabi ng senador na hindi titigil si Pangulong Duterte na labanan ang corruption kaya mabilis na tinutugunan ng Chief Executive ang hinaing ng taumbayan at ang pana­wagang magkaroon ng isang Task Force na may kakayahang linisin ang mga ahensyang laganap ang anomalya at panagutin ang mga mapatuna­yang may sala.

Umaasa siya na sa paglabas ng kautusan ng Pangulo, ang Task Force sa pangunguna ng DOJ, kasama ang Ombudsman, COA, CSC, OES, at sa tulong din ng PACC — ay gagawin ang lahat upang matuldukan na ang mga problema sa PhilHealth.

Si Go ang nagrekomenda kay Pangulong Duterte na ikonsidera ang paglikha ng Task Force na magsisiyasat sa mga katiwalian sa PhilHealth.

Sinabi ni Go na pagkatapos na “talupan” ang mga anomalya sa PhilHealth, isusunod nito ang mga ahensiya na talamak o nakasistema na ang kura­kutan kagaya sa hanay ng mga opisyal at tauhan ng Customs.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with