^

Bansa

Epekto ng MECQ mararamdaman matapos ang 2-3 linggo - DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Epekto ng MECQ mararamdaman matapos ang 2-3 linggo - DOH
Ipinaliwanag ni DOH Usec. Ma. Rosario Vergeire na may 14-na araw ang ‘incubation days’ ng virus kaya kailangan pang maghintay ng hanggang tatlong linggo sa mga bagong kaso na papasok.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Mararamdaman lamang ang epekto ng ipinatutupad na ‘modified enhanced community quarantine (MECQ)’ may dalawa hanggang tatlong linggo matapos itong ipatupad, ayon sa Department of Health.

Ipinaliwanag ni DOH Usec. Ma. Rosario Vergeire na may 14-na araw ang ‘incubation days’ ng virus kaya kailangan pang maghintay ng hanggang tatlong linggo sa mga bagong kaso na papasok.

Ito’y makaraang umakyat na sa 119,460 ang kaso ng COVID-19 sa bansa nitong nakaraang Huwebes at naungusan na ang Indonesia sa Southeast Asia.

Malaki naman ang paniwala ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na sa pagpapairal ng 15 day MECQ sa Metro Manila at karatig lalawigan ay bababa ang kaso ng COVID sa naturang mga lugar.

Ayon kay Año, para makamit ito ay dapat na sumunod ang publiko sa paghihigpit na ginagawa ng pamahalaan tulad ng pananatili sa tahanan, pagsusuot ng face mask at social distancing.

Sa magiging resulta anya ng MECQ implementation makaraan ang 15 araw ibabase ng pamahalaan kung tatanggalin na ito o ie-extend ang lockdown.

“Huwag naman sana no, kasi gusto natin makapagbukas pa rin tayo ng ekonomiya. Balance between health and economy. Titignan natin yung figures,” pahayag ni  Año.

Ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan ay nasa ilalim ng MECQ mula August 4-18 para mabigyang pagkakataon ang mga health workers na makapagpahinga.

Samantala, nilinaw din ni Vergeire na hindi garantiya ang pagpapabakuna ng anti-flu vaccine at anti-pneumonia na hindi na dadapuan ang tao ng COVID-19.

Unang hinikayat ng DOH ang publiko na magpabakuna ang mga ito ngunit upang maiwasan ang mga komplikasyon na resulta ng pagkakahawa ng COVID tulad ng trangkaso at pulmonya na mga dahilan ng pagkasawi ng mga pasyente.

“Ang pagpapabakuna natin ng anti-flu at pneumonia ay para sa resistensya ng tao pero hindi ito makatutulong sa pag-prevent kung ikaw ay mahahawaan ng COVID o hindi,” giit ni Vergeire. —Angie dela Cruz

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with