^

Bansa

Pagpili kung sino ang mabubuhay o masasawi ‘di mangyayari sa Pinas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagpili kung sino ang mabubuhay o masasawi �di mangyayari sa Pinas
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung mapupuno na ang lahat ng pagamutan sa Metro Manila ay maaari namang rumesponde at tumulong ang mga healthcare workers at mga pagamutan sa mga karatig na rehiyon.
AFP/Lucas Barioulet

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Health (DOH) na hindi mangyayari sa Pilipinas ang senaryo na darating ang punto na mapipilitan ang mga medical workers na mamili sa mga pas­yente kung sino ang dapat mabuhay at ang masawi dahil sa gagawin umano ang lahat ng paraan para maserbis­yuhan ang lahat.

Sinabi ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kahapon nang tanungin siya sa virtual forum ukol sa nangyayari umano sa ibang mga bansa na matitindi ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Vergeire, kung mapupuno na ang lahat ng pagamutan sa Metro Manila ay maaari namang rumesponde at tumulong ang mga healthcare workers at mga pagamutan sa mga karatig na rehiyon.

Kasabay nito, nagpahayag ng agam-agam ang mga miyembro ng Doctors to the Barrios (DTTB) program sa pag-pull-out sa mga medical workers na nakatalaga sa malalayo at mahihirap na mga lugar sa Pilipinas para tumulong sa Metro Manila at iba pang lungsod laban sa virus.

Inihalimbawa ni Dr. Carissa Rulla ang Tawi-Tawi na mayroon lamang higit 20 doktor para magserbisyo sa higit 400,000 residente ng lalawigan.

Kung tatanggalin umano sila ay mapapabayaan naman ang mga pasyente laban sa iba pang mapanganib rin na mga karamdaman.

Bagama’t apat lamang ang naitalang kaso ng COVID-19 sa naturang probinsya, sinabi ni Rulla na hindi nakatitiyak na hindi ito lolobo dahil sa marami pang tao na istranded sa Metro Manila ang nakatakdang bumalik sa kani-kanilang probinsya.

Bukod sa mga LSIs (locally standed individuals), may panganib rin sa mga deportees na nanggagaling sa Sabah, Malaysia na kailangan nilang i-minotor kung nagtataglay rin ng virus.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with