^
Modules na gagamitin ng mga guro sa August 24, wala pa - ACT
Naapektuhan din umano ang modular learning preparations ng mga guro nang maibalik sa MECQ ang NCR at karatig lalawigan sa Region IV-A, ang mga lugar na may pinaka- maraming bilang ng mga mag-aaral sa 17 rehiyon.
Miguel de Guzman/File

Modules na gagamitin ng mga guro sa August 24, wala pa - ACT

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanlumo ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines sa ulat ng mga guro na wala pa ang modules na gagamitin nila sa pagtuturo sa pasukan.

Naapektuhan din umano ang modular learning preparations ng mga guro nang maibalik sa MECQ ang NCR at karatig lalawigan sa Region IV-A, ang mga lugar na may pinaka- maraming bilang ng mga mag-aaral sa 17 rehiyon.

“Reports show that schools which have begun module reproduction print modules that were developed by schools and divisions as the promised material from the Central Office (CO) remain unavailable,” pahayag ni ACT Secretary General Raymond Basilio.

Anya, disappointed ang mga guro na sa kabila na ang mga ito ay naatasan na gumawa ng activity sheets para sa modules, wala pa ang mga itong nakikita ni isang kopya ng modules hanggang ngayon kaya’t mapipilitan ang mga guro na gamitin na lamang ang activity sheets ng nagdaang pasukan.

Sinabi ni Basilio na nakalulungkot ang ulat ng mga guro na bagama’t may ilang linggo na lamang ay pasukan na sa August 24, wala silang choice kundi gumawa ng aralin na meron sila kung hindi ay walang magagamit na materyales ang mga mag- aaral sa pasukan.

Isa ring problema anya ay ang reproduction cost  at wala ng panahon ang mga paaralan na makalikom ng pondo para dito dahil sa maikling panahon.

Binigyang diin nito na may ilang mga guro ang nagrereport sa mga paaralan kahit na alas-11 ng gabi dahil sa ipinaiiral na shifting schedule ng kanilang school/division para lamang matapos sa oras ang printing ng kanilang  gagamiting mo­dules sa pagtuturo.

Bunga nito, nanawagan ang ACT sa pamunuan ng DepEd na magpatupad ng contingency plan para mapunuan ang anumang pagkukulang ng ahensiya hinggil sa nalalapit na  pasukan sa August 24.

 

ACT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with