^

Bansa

Wala pang bansa ang nagtagumpay vs COVID-19 - Año

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala pang bansa ang nagsabing tagumpay sila sa pagpuksa sa COVID-19.

Reaksiyon ito ni Interior Secretary Eduardo Año, vice-chair ng Task Force against COVID-19 sa ulat na ang Pilipinas ang may pinakamaraming bilang ng kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia.

“No country could ever say they are successful. Look at Japan, look at Italy, even Vietnam, and Singapore, nag-i-ispike sila,”  pahayag ni Año.

Sinabi ni Año na hindi dapat ikumpara ng sinuman ang Pilipinas sa kalagayan ng ibang bansa sa panahon ng pandemic.

Ayon sa Kalihim, prayoridad ngayon ng mga otoridad na pag-aralan ang mahuhusay na hakbang ng ibang bansa sa paglaban sa COVID at gawin ito sa Pilipinas para maibsan ang pagkalat ng virus sa ating bansa.

Sa latest report, nanguna na ang Pilipinas na may 119,460 COVID case noong Huwebes matapos maungusan ang Indonesia na may 118,753 na dating nangunguna sa dami ng kaso ng virus. Joy Cantos

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with