^

Bansa

COVID-19 cases sa bansa nadagdagan nang 3,379, nasa 122,754 na lahat-lahat

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 cases sa bansa nadagdagan nang 3,379, nasa 122,754 na lahat-lahat
Kinukunan ng mga proofof identification at residence ng miyembro ng Manila Police District ang mga motoristang ito habang tumatawid sa checkpoint ng Roxas Boulevard, Maynila matapos magpatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ)
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines (Updated 4:49 p.m.) — Bago magtapos ang unang linggo ng Agosto, muli na namang dumami ang bilang ng mga kumpirmadong coronavirus disease (COVID-19) cases sa Pilipinas, pagkukumpirma ng Department of Health (DOH), Biyernes.

Ngayong araw, sumipa pa kasi ito sa 122,754 matapos makapagtala nang karagdagang 3,379 kaso ang Pilipinas.

"There were eighty-five (85) duplicates that were removed from the total case count. Of these, fifty-eight (58) recovered cases and six (6) deaths have been removed," paliwanag pa ng DOH sa isang pahayag.

"Moreover, twenty-three (23) cases that were previously reported to have recovered has been validated to have died and were included in the count of new deaths."

Base sa mga resultang isinumite ng 89 sa 99 lisensyadong laboratoryo sa Pilipinas, pinakamarami ang mga bagong infections sa:

  • National Capital Region (1,846)
  • Rizal (314)
  • Laguna (276)
  • Cavite (145)
  • Quezon (66)

Pero kapag inawas dito ang bilang ng mga namatay at gumaling na mula sa COVID-19, maiiwan dito ang totoong mahalagang datos — ang 53,734 active cases.

LOOK: DOH COVID-19 CASE BULLETIN #146 As of 4PM today, August 07, 2020, the Department of Health reports the total...

Posted by Department of Health (Philippines) on Friday, August 7, 2020

Pumanaw naman na mula sa nakamamatay na virus ang 2,168 pasyente. Mas marami 'yan nang 24 kumpara sa datos na inilabas ng gobyerno kahapon.

Sa bilang na 'yan, isa (4%) ang nanyari noong Agosto, apat (17%) noong Hulyo, walo (34%) noong Hunyo, walo (34%) uli noong Mayo, isa (4%) noong Mayo at dalawa (8%) naman noong Marso.

Pinakamarami sa mga bagong datos ng mga namatay ay nanggaling din sa Metro Manila, na isa sa mga epicenter ng nakamamatay na virus.

Samantala, magaling naman na mula sa COVID-19 ang 96 pa, bagay na nagtutulak sa local recoveries sa 66,852.

Sa huling tala ng World Health Organization, sumabit na sa 18.61 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo. 702,642 na sa kanila ang patay na.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with