Imee sa DOTr: Face shield ilibre na sa commuters
Paliwanag ni Marcos, dagdag gastos ang panibagong “mandatory requirement” na face shield ng DOTr sa mga pasahero ng jeep, bus, tren at eroplano na ipatutupad simu- la sa Agosto 15 sa gitna ng COVID-19 pandemic.
AFP/Ted Aljibe
Imee sa DOTr: Face shield ilibre na sa commuters
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipamigay na ng libre ang face shield sa mga commuters, apela ni Sen. Imee Marcos sa Department of Transportation.

Paliwanag ni Marcos, dagdag gastos ang panibagong “mandatory requirement” na face shield ng DOTr sa mga pasahero ng jeep, bus, tren at eroplano na ipatutupad simu- la sa Agosto 15 sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pinaalalahanan din ng senadora si DOTr Secretary Arthur Tugade na huwag basta-basta na lang biglain sa gastusin ang taumbayan dahil na rin sa kasalukuyang kalagayan ng mga manggagawa o empleyado at iba pang mananakay.

Nauna nang sinabi ni Tugade na hindi dapat isipin ng publiko na dagdag gastos pa ito dahil mas maigi na ang sobrang pag-iingat kung ang pinag-uusapan ay ang kalusugan at kaligtasan ng taumbayan.

Umapela rin siya sa Department of Trade and Industry na bantayan ang presyo ng face shield dahil malamang na biglang sumirit ang presyo nito sa merkado.

DOTR IMEE MARCOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with