One Hospital Command Center itinayo
Ludy Bermudo, Danilo Garcia, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binuksan na kahapon ang One Hospital Command Center na naglalayong magkaroon ng mas maayos at mabilis na sistema sa referral ng mga pasyente.

Ayon kay National Task Force COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez, sa pamamagitan ng one hospital command center ay malalaman ang kapasidad ng mga ospital para sa pagtanggap ng mga pasyente.

Dinadagdagan aniya ang mga intensive care unit (ICU) beds para ma-address ang admission ng mga severe at critical COVID cases sa iba’t ibang pagamutan maging pribado o pampubliko at makapag-accommodate ng mga pasyenteng may malubha at nasa kritikal na kalagayan.

Sa command center ay may malalaking screen kung saan makikita ang occupancy ng mga ospital sa bansa, ayon kay Health Secretary Francisco Duque.

Dito rin mamomonitor kung saang ospital puwe-deng mag-accommodate pa ng mga pasyente para sa intensive care o maaa-ring pagdalhan ng mode-rate cases.

Maaaring kontakin ng DOH hospitals ang command center sa pama-magitan ng pag-download sa mobile application na ‘Pureforce Citizens’, o sa 0919-977-3333, 0915-777-7777 at (02) 88650500.

COVID-19 HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with