2 Pinoy patay, 12 pa missing sa pagsabog sa Lebanon
Batay sa impormasyon mula sa Philippine Embassy sa Beirut, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Ed Meñez, na nasa bahay ng kanilang mga amo ang mga Pinoy na nasawi sa pagsabog.
AFP/Joseph Eid
2 Pinoy patay, 12 pa missing sa pagsabog sa Lebanon
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang Pinoy ang kabilang sa mahigit 100 katao na nasawi sa malakas na pagsabog na yumanig sa Beirut sa Lebanon, at 12 Pinoy pa ang nawawala.

Batay sa impormasyon mula sa Philippine Embassy sa Beirut, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Ed Meñez, na nasa bahay ng kanilang mga amo ang mga Pinoy na nasawi sa pagsabog.

Inihayag naman ni Foreign Undersecretary Sarah Arriola, nagtatrabaho bilang mga kasambahay sa Beirut ang mga nasawi. Karamihan naman umano sa nawawalang 12 Pinoy ay mga seafarer.

Mayroon ding walong Pinoy ang nasaktan sa malagim na insidente.

Bukod sa mahigit 100 katao na nasawi, libu-libo rin ang nasaktan at nag-iwan ng malawak na pinsala ang naturang pagsabog na lumikha ng ma-tinding shockwave.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa Lebanon sa pinagmulan ng pagsabog na unang hinihinala na nanggaling sa mga nakaimbak na pampasabog na ammonium nitrate sa isang bodega sa pantalan.

Inaasahan ng mga awtoridad na madadagdagan pa ang bilang ng mga biktima.

Nakikipag-ugnayan naman ang embahada ng Pilipinas sa Filipino community sa Lebanon para alamin ang kanilang mga kalagayan.

Related video:

LEBANON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with