DOH, LGUs magbabahay-bahay, may COVID-19 symptoms tutukuyin
Kabilang din sa 10-point target ang paggamit ng RT-PCR swab tests; hindi na paggamit ng rapid test kits; paglalagay sa isolation sa mga COVID patients na naka-home quarantine ngunit hindi nakakasunod sa protocols; pagtukoy sa 37 indibidwal na nakasalamuha ng isang COVID-19 patient; at pagpapalakas pa sa ‘awareness’ sa pagsusuot ng face masks, face shields at pagsunod sa physical distancing.
The STAR/Edd Gumban
DOH, LGUs magbabahay-bahay, may COVID-19 symptoms tutukuyin
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iisa-isahin na umano ng Department of Health (DOH) katuwang ang mga lokal na pamahalaan, ang bawat bahay ng ilang mga piling barangay para tukuyin ang mga taong may sintomas ng COVID-19.

Bahagi ang “100% of households undergoing symptoms check” sa 10-point agenda na binuo ng pamahalaan habang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bahagi ito ng muling kalibrasyon sa istratehiya nila na tinawag nilang ‘Coordinated Operations to Defeat Epidemic’ o ‘CODE strategy’.

Tukoy na umano nila ang mga barangay sa Metro Manila at Calabarzon na iikutan nila sa loob ng dalawang linggo.

Kabilang din sa 10-point target ang paggamit ng RT-PCR swab tests; hindi na paggamit ng rapid test kits; paglalagay sa isolation sa mga COVID patients na naka-home quarantine ngunit hindi nakakasunod sa protocols; pagtukoy sa 37 indibidwal na nakasalamuha ng isang COVID-19 patient; at pagpapalakas pa sa ‘awareness’ sa pagsusuot ng face masks, face shields at pagsunod sa physical distancing.

Inaasahan na sa loob ng 15 araw na MECQ ay magkakaroon ng mas mataas na kaalaman ang publiko at pagsunod sa minimum health standards habang mabibigyan ang mga mahihirap na komunidad ng mga face masks at face shields.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with