Murang pooled testing solusyon vs COVID-19 â Garin
Ayon kay Garin, hindi solusyon ang community quarantine dahil patuloy ang pangamba ng bawat indibiduwal dulot ng Co-Vid-19. Aniya, marami ang gustong magpasuri sa pamamagitan ng RT-PCR pero hindi magawa dahil sa kamahalan.
Boy Santos, File
Murang pooled testing solusyon vs COVID-19 – Garin
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naniniwala si Iloilo Rep. Janette Garin na pi­nakamabisang solusyon na panlaban sa COVID-19 ay ang pooled Reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR).

Ayon kay Garin,  hindi solusyon ang community quarantine dahil patuloy ang pangamba ng bawat indibiduwal dulot ng Co-Vid-19. Aniya, marami ang gustong magpasuri sa pamamagitan ng RT-PCR pero hindi magawa dahil sa kamahalan.

Dahil dito, isinusulong ni Garin ang pooled tes-ting sa pamamagitan ng Project ARK RT-PCR Initiative na pangungunahan ng  pathologists. Magiging katuwang ito ng pamahalaan upang mapabilis ang pagsugpo sa virus.

Mula sa kasalukuyang presyo ng P4,500-P8,000 bawat tao sa isang test, maibababa ang presyo nito hanggang P350 kada tao sa pooled testing.

Hindi na kailangan   pang hintayin ang pagka­karoon ng mga sintomas ng isang pasyente. Mas makabubuti kung agad na masusuri at magagamot ang mga positibo habang tuluy-tuloy naman sa kanilang pagkilos at pagtatra­baho ang mga negatibo.

Sinabi ni Garin na sa tuluy-tuloy na tulong at kampanya ng gobyerno laban sa CoVid-19, dapat ding tumulong ang bawat Pilipino upang matagumpayan at masawata ng bansa ang pandemya.

Ikinagulat at ikinabahala ng marami ang muling pagsasailalim sa MECQ Metro Manila, Bulacan, Ri-zal, Cavite at Laguna bunsod ng pagdami ng kaso ng CoVid-19. Sa ilalim nito, limitado ang kilos maging ang mga pagnenegosyo.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with