Sunog sanhi ng jumper sa Iloilo City nabawasan sa ilalim ng More Power
(Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mula sa dalawa hanggang tatlong insidente ng sunog na naitatala kada buwan dulot ng illegal power connection sa mga squatter areas sa Iloilo City, wala pang nagaganap na sunog sa nakalipas na 5 buwan mula nang itakeover ng bagong dustribution utility na More Power and Electric Corp. (More Power) matapos nitong sinimulang tutukan ang problema sa jumper  at overloading ng mga linya ng kuryente.

Ayon kay Iloilo East Baluarte Barangay Chairman Gary Patnubay, ang pagkakaroon ng mga jumper ang pinakamala-king problema noon kaya madalas ang sunog, nasa 30-40 porsiyento ng kanyang constituents ang nasa illegal connections, subalit nang pumasok ang More Power at nagkaroon ng programa para magkaroon ng legal na linya ng kuryente ay 75% na ng mga residente ang nag-apply para sa kanilang sariling kuntador.

Hindi lamang umano sa mga squatter areas mayroong mga jumper kundi maging sa mga mayayaman na residente ay nahuhulihan din na may illegal connection.

Sa 2019 Technical Study ng MIESCOR Engineering Services Corp. ay na­tukoy nito na mayroong 30,000 illegal connections sa Iloilo, ito ang tinuturong dahilan ng pagtaas ng sys-  tems loss na umabot sa 9.3%.

Maliban sa jumper, malaking dahilan din ng maraming sunog sa lala­wigan ang pole fires, sa report ng Bureau of Fire Protection na isinumite nito sa Energy Regulatory Commission (ERC), mula Enero 1, 2014 hanggang Oct. 29, 2019 ay nasa 2,887 sunog ang naganap sa Iloilo City at sa nasabing bilang ay 1,464 kaso o 51.187 porsiyento ay mula sa poste ng Panay Electric Company (PECO) na dating distribution utility sa Iloilo City.

Inilistang dahilan ng BFP na sanhi ng pagka­sunog ng mga poste na gawa sa kahoy ay ang short circuit bunsod ng naka-exposed nang electricity wires at overloading dala na rin ng mga jumper.

MORE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with