Social media âdi target sa Anti-Terror Law
Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagtiyak matapos ilutang ni Armed Forces of the Philippines chief Lieutenant General Gilbert Gapay na isama sa implementing rules and regulations ng batas ang pag-regulate sa social media.
AFP, file
Social media ‘di target sa Anti-Terror Law
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Malacañang na walang nakapaloob na probisyon sa Anti-terror Law na magiging daan upang makontrol ang social media.

Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagtiyak matapos ilutang ni Armed Forces of the Philippines chief Lieutenant General Gilbert Gapay na isama sa implementing rules and regulations (IRR) ng batas ang pag-regulate sa social media.

Naniniwala si Gapay na nagagamit ng mga terorista ang social media para sa kanilang ilegal na gawain.

Nilinaw ni Roque na opinyon lang ito ni Gapay pero walang probisyon ang batas na magagamit para i-regulate ang social media.

Ayon pa kay Roque, ang cybercrime law ang may probisyon tungkol sa social media pero kailangan pa ring dumaan sa hukuman.

Tutol din ang ilang mga mambabatas sa isinusulong ni Gapay dahil hindi ito kasama sa ipinasang batas.

ANTI-TERROR LAW SOCIAL MEDIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with