^

Bansa

MECQ hindi na palalawigin – Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinahiwatig kahapon ng Malacañang na hindi na palalawigin pa sa higit na dalawang linggo ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi na kakayanin ng ekonomiya kung mas tatagalan pa ang lockdown na matindi ang naging pagbagsak dahil sa COVID-19.

Pinayuhan pa ni Roque ang mga mamamayan na ingatan ang katawan upang makapagtrabaho.

Ginawa ni Roque ang pahayag matapos matanong tungkol sa sinabi ni UP Prof. Guido David na dapat ay isang buwan ang MECQ upang mapababa ang “curve” o bilang ng may COVID-19 na katulad nang nangyari sa Cebu.

Pero ayon kay Roque, mahirap na ang nangyayari sa ekonomiya at hindi mabubuhay ang mga mamamayan kung walang hanapbuhay.

Wala na rin aniyang tulong na aasahan sa gobyerno sa dalawang linggong lockdown dahil hindi pa naipapasa ng Kongreso ang Bayanihan 2.

Dapat din aniyang matuto ng mamuhay ang mga mamamayan sa gitna ng banta ng COVID-19 na ayon sa World Health Organization (WHO) ay magtatagal pa.

Nagsimula ang MECQ sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Bulacan at Laguna kahapon (Agosto 4) at tatagal hanggang Agosto 18.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with