^

Bansa

COVID-19 cases mababawasan ng 50K-70K sa MECQ

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 cases mababawasan ng 50K-70K sa MECQ
Malaking bagay uma­no ang MECQ dahil mapapabagal ang transmission ng virus lalo na kung sasabayan ng mas maigting na mass testing, contact tracing at puspusang paggamot sa mga may impeksyon.
AFP/Ted Aljibe, file

MANILA, Philippines — Maaaring mabawasan ng 50,000 hanggang 70,000 ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at mga karatig lalawigan sa pagbabalik ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang sa katapusan ng buwan ng Agosto.

Paliwanag ni Professor Ranjit Rye ng UP-OCTA research team, kung nanatili sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila ay aabot sa 220,000 ang COVID cases sa katapusan ng Agosto.

Malaking bagay uma­no ang MECQ dahil mapapabagal ang transmission ng virus lalo na kung sasabayan ng mas maigting na mass testing, contact tracing at puspusang paggamot sa mga may impeksyon.

“Doon pa lang ho malaki na ang impact sa reproduction number, na kung paiigtingin pa yung T3 (testing, tracing, treatment) at sasamahan ng matinding kooperasyon ng private sector at civil society, walang kaduda-duda, in 15 days, babagsak ‘to to one,” dagdag ni Rye.

Sa kanilang forecast nitong Hulyo 31, maaaring umabot sa 150,000 ang COVID case na may 3,000 nasawi kung magiging mahigpit ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga protocols ngunit pwedeng umabot sa 220,000 sa ilalim ng GCQ.

Nauna rito, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na maisailalim muli ang MM, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan sa MECQ simula ngayong Agosto 4-18, dahil na rin sa kahilingan ng medical community, na humihingi ng time out mula sa patuloy na pagdami nang naitatalang COVID-19 cases sa mga naturang lugar.

Ayon sa Pangulo, naiintindihan niya ang pa­nawagan ng mga health workers na humihingi ng “timeout period” dahil sila ay napapagod na.

Pero sinabi rin ng Pa­ngulo na ang giyera na kinakaharap ngayon ng mga health workers ay isang laban na pinagsanayan nila.

“To our health workers, this is a war that you have been trained to fight. This is a profession that you, all of you, and who were educated and trained to face such challenges, you are frontliners in the battle because you are learned in this field,” ani Duterte. —Danilo Garcia, Malou Escudero

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with