^

Bansa

Public transpo suspendido uli sa Metro Manila, 4 pang probinsiya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Public transpo suspendido uli sa Metro Manila, 4 pang probinsiya
Ayon sa DOTr, kabilang sa mga lugar na wala munang public transportation ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal at tanging ang mga public shuttle para sa frontline workers ang papayagang bumiyahe.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Tigil muna ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan kabilang na ang mga rail lines simula ngayong araw hanggang sa Agosto 18.

Bunsod na rin ito nang muling pagpapairal ng pamahalaan ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ilang kalapit nitong mga lalawigan.

Ayon sa DOTr, kabilang sa mga lugar na wala munang public transportation ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal at tanging ang mga public shuttle para sa frontline workers ang papayagang bumiyahe.

Ititigil din muna ang pagbiyahe ng mga bus, jeep, taxi, TNVS, at mga tren ng LRT-1, LRT-2, gayundin ang MRT-3 at Philippine National Railways. Maging ang biyahe ng mga tricycle ay bawal din muna.

Para naman sa private transport, ang mga company shuttle ay papayagang bumiyahe pero 50% ng capacity lamang dapat ang sakay.

Maaari ring bumiyahe ang mga pribadong sasakyan.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with