Dine-in, salon, gym sarado uli
MANILA, Philippines — Sarado muli ang mga dine-in restaurants, salons, gymnasiums dahil sa ipinatutupad na MECQ.
Paalala ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyo na samantalahin ang 15-araw na pagsasara para maisaayos pa ang kanilang mga pasilidad at sistema sa contact tracing bago hayaang muling magbukas.
Kabilang sa mga negosyo na isasara sa ilalim ng MECQ ang mga barberya at salons; gym/fitness studios at sports facilities; testing/tutorial centers; internet cafes; drive-in cinemas; pet grooming services; languange, driving, dance/acting/voice schools; sinehan; silid-aklatan, museums, at cultural centers.
Apektado rin ang mga tourist destinations, travel agencies, tour operators, reservation services at iba pa. Sarado rin muna ang mga sabungan, beerhouses, at amusement centers.
- Latest