Philippine COVID-19 cases 106,330 na isang araw bago ang Metro Manila MECQ
Nakapila ang lalaking ito para kumuha ng "travel pass" bago pa man ipatupad ng mas mahigpit na modified ECQ simula bukas, ika-4 ng Agosto, 2020
The STAR/Michael Varcas
Philippine COVID-19 cases 106,330 na isang araw bago ang Metro Manila MECQ
James Relativo (Philstar.com) - August 3, 2020 - 3:16pm

MANILA, Philippines — Bago ipataw ang mas mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at apat na karatig na probinsya, tuloy sa pag-akyat ang bilang ng panibagong coronavirus disease (COVID-19) cases, Lunes.

Sa datos ng Department of Health (DOH) na inilabas ngayong hapon, umariba pa kasi ito sa 106,330 matapos madagdagan ng 3,226 pang bagong pasyente.

"There were eighty-one (81) duplicates that were removed from the total case count. Of these, ten (10) recovered cases have been removed," paliwanag ng DOH sa isang pahayag.

Pinakamarami ang mga naiulat na kaso sa mga sumusunod na lugar sa bansa, bagay na nakalap sa nakaraang 14 araw:

  • National Capital Region (1,541)
  • Cebu (503)
  • Laguna (181)
  • Rizal (158)
  • Cavite (129)

Sa kabila niyan, nananatiling 38,405 na lang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, o yaong patuloy na apektado pa rin ng virus.

Hindi na kasama sa mga active cases ang mga namatay o gumaling na mula sa SARS-CoV-2, ang virus na nagsasanhi ng kinatatakutang sakit.

Pumanaw naman na mula sa COVID-19 ang dagdag na 46  pang pasyente, dahilan para sumipa na ang local death toll sa 2,104.

Gayunpaman, maganda na ang kalagayan ng 65,821 kataong taong dating nahawaan ng nasabing sakit. Mas mataas 'yan nang 275 kumpara sa naitala noong Linggo.

"Moreover, we have updated the outcomes of two (2) cases. One (1) was previously reported as death but updated as recovered and one (1) case was previously reported as recovered but updated as death after final validation; these are already included in the count of new deaths and recoveries," dagdag pa ng kagawaran.

Metro Manila MECQ at COVID-19

Kaninang umaga lang nang ianunsyo ng UP OCTA research group na aabot sana nang 220,000 sa pagtatapos ng Agosto ang COVID-19 cases sa Pilipinas kung mananatili sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Pero ngayong MECQ na sa punong rehiyon simula bukas, maaaring mabawasan daw 'yan nang 50,000 hanggang 70,000.

"Now that we’re back to MECQ, we will save more than 50,000 new cases," ani UP Prof. Ranjit Rye sa press briefing ng Malacañang.

"Malaking bagay na po na nag-desisyon ang gobyerno kahit napakalaki ng cost nito. Doon pa lang malaki na ang impact sa R (reproduction number) kung paiigtingin pa ‘yung T3 (testing, tracing, treatment) at sasamahan ng matinding cooperation ng private sector and civil society ay walang kaduda duda in 15 days, babagsak ito to one.

Una nang humingi ng "timeout" ang nasa 40 medical societies kay Digong para maibalik sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) ang Kamaynilaan, para na rin mapahupa ang matinding tama ng pandemya sa mga healthcare workers.

Ibinigay ni Duterte ang MECQ kagabi, na mas maluwag sa ECQ ngunit mas mahigpit sa GCQ, ngunit kinastigo ang mga nasabing doktor dahil sa pagrereklamo at "pananawagan" nila ng rebolusyon, bagay na hindi naman ginawa ng mga manggagamot.

Samantala, sumampa na sa 17.66 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo , ayon sa pinakahuling ulat ng World Health Organization (WHO). 680,894 na sa kanila ang patay.

 

Related video:

DEPARTMENT OF HEALTH MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with